Para sa akin ito ang pinakamadaling malayang paksa na aking gagawin. KAIBIGAN. Ang sarap pakinggan, ang sarap isipin na sila ang isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay matatag at masaya padin ako.
KAIBIGAN. Laging nandiyan para sayo, yung hindi ka iiwan kahit anong mangyari. Mapalayas ka man sa bahay mo, siya ang sasalo sayo. Makaaway mo man ang lahat ng tao, hindi ka papabayan hangga't nasa tama ang iyong ginagawa. Matae ka man sa shorts o pantalon, siya ang maghuhugas ng puwet mo o pahihiramin ka ng gamit para masuot.
Mapagkakatiwalaan. Siya ang masasabihan mo ng mga sikreto mo. Lahat ng bagay tungkol sayo alam niya, ultimo ang laman ng bituka mo. Yung tiwalang kampante ka kahit nagkaaway kayo kasi alam mong hindi niya ipagsasabi ang mga sikreto mo, yung tipong hindi 'backfighter'.
Nagmamahalan. Magkapatid ang turingan niyo. Kahit pumasok ka sa bahay ng isa't isa ayos lang. Kaclose mo ang mga magulang niya. Alam niyo ang baho ng isa't isa, Na ano man ang pagkakaiba niyo, tanggap niyo yun dahil mas umiiral ang pagmamahalan kaysa ang pagkakaiba.
Ilan lang iyan sa depinisyon ng kaibigan para sa akin. Madaling humanap ng kaibigan, pero siguraduhin natin na yung kaibigan na ating pipiliin ay hindi tayo dadalin sa maling landas, hindi tayo pagtataksilan at yung magtatagal.
Mahirap no? Para yang paghahanap ng tubig sa gitna ng disyerto. Pero gaano man kahirap at katagal, panigurado makakakita din tayo ng kaibigang ganyan. Pero siguraduhin nating hindi natin sisirain ang tiwala at pagmamahal na ibinigay nila sa atin ha? Huwag natin sayangin ang isa sa kayamanang ibinigay sa atin ng Diyos. KAIBIGAN DA BEST!!! :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento