Simula mg binigay sa akin ang paksa na ito, hindi ko mawari ang aking ilalagay. Paano kasi simula aking pagkabata wala namang nangyayari sa akin tuwing Pasko. Nakatanga lang ako sa bahay, nanunuod ng telebisyon, kakain at wala nang iba pa. Sa relihiyom kong Iglesia Ni Cristo, walang pasko-pasko, walang noche buena, wala talaga. :)
Sa burol ng kuya ko ito ginawa. Disyembre 25,2011, ang pinakanakakainis, pinakamalungkot at ayaw kong maulit na Pasko para sa akin. Kung pwede ko lang ibalik ang araw ginawa ko na. Disyembre 23, 8:00 ng gabi, tumawag ang kuya Felman ko sa akin. Nung umpisa hindi ko pa nga siya nakilala e. Paano kasi ibang number ng cellphone ang gamit niya. Sabi pa nga niya mukha daw akong baliw dahil hindi ko man lang daw siya nakilala. Nagtaka pa nga ako ako dahil iyon ang kauna-unahang beses niyang tumawag sa akin( lagi kami ang tumatawag sa kaniya :) ). Ayon sa kanya, Disyembre 25 daw ay pupunta siya sa bahay namin at magdadala siya ng regalo. Excited pa nga ako pero iyon na pala ang huling tawag niya sa akin.
Alas onse ng gabi, Disyembre 23 nasaksak siya leeg at dead on the spot daw ayon sa SOCO. Ang sakit. Ang sakit sakit, ganun pala ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay. Ang dami niya pang pangarap, pag-aaralin pa daw niya ako. Biruin mo iyon sa edad niyang 20 nawala agad siya. Ang bata niya pa e, ang hirap tanggapin.
Ang nakakainis pa dito, ako pa ang sinisisi ng asawa( mag-asawa ang turingan nila kahit hindi pa sila kasal) niya kung bakit siya namatay. Kung hindi ko daw tinext ang kuya nung oras na iyon na nailabas na ang tita Maria ko sa ospital, na balak niyang dalawin nung gabing iyon, hindi na sana siya nagtuloy sa christmas party nila kung saan siya namatay. Wala akong maalala na tinext ko ang kuya ko nang ganun. Hindi ko matandaan kung may tinext ako sa kaniya o wala. Hingi ko madepensahan ang sarili ko dahil hindi ko nga naalala ang mga ginawa ko nung gabing iyon, basta ang alam ko tumawag siya at yun lang. Ang hirap nang sitwason no? Tumakas muna ako sa lamay para gumawa ng blog. Iba ang tingin sa akin ng tao. Wala akong kakampi kundi ang pamilya ko at ang mga kamag-anak ko. Gabi-gabi iniisip ko kung tnext ko nga ba siya o hindi, pero walang nangyayari kundi ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.Nakakainis!!! Wala akong maramdaman kung hindi galit sa aking puso. Sana mapatawad pa ako ng kuya ko at ng pamilya ng asawa niya. Hayys :(
Linggo, Enero 1, 2012
Magkabilaan ni Joey Ayala
Isang malalim na mensahe ang nais iparating ni Joey Ayala nang awitin niya ang kanta niyang Magkabilaan. Sa titulo pa lamang ay matatanaw mo na nang bahagya kung ano ang isinasaad nito.
Nagsimula ang awitin sa linyang “Ang katotohanan ay may dalawang mukha” na ibig ipahiwatig na may dalawang bagay sa mundo na siya lang talagang laging magkaiba. Ang tama sa iyo ay mali sa iba. May mga opinyon kang para sa iyo ay tama ngunit para sa iba ay mali. Dito nagsisimula ang gulo, pag-aaway, pagtatalo at hindi pagkakaunawaan. Tulad nalang nga mga bakla at tomboy. Sa palagay nila ay tama iyon, ngunit sa tingin ng karamihan ito’y hindi angkop.
May mga mayaman at mayroon ding mahirap. Ngunit nakalulungkot na isiping mas malaya pa ang alipin sapagkat mas nagagawa pa nila kung ano ang kanilang nais nang maluwag sa kanilang puso. ‘Di tulad ng mga mayayamang nakakulong sa kanilang mga salapi na ‘tila ba pag-aari na sila nito.
Ang mga sundalo namang nais lamang na mapagsilbihan ang bayan ay nakikipagtuos sa kanyang sarili. Nilalabanan niya ang kaniyang konsensya sa pagkitil ng buhay ng ibang tao. Kahit na iyon ay labag sa kanilang kalooban nananaig sa kanila ang matinding pagmamahal sa bayan para sa kapakanan ng bawat Pilipino.
Sa kabilang banda, mayroon din namang mga taong pinapaslang ng masasamang loob ang nabuhay nang walang hanggan. Nabubuhay sila sa puso ng mga taong patuloy na nagmamahal sa kanila at habang buhay na mananatili ang kanilang presensya sa ala-ala ng mga ito.
Ang mundo ay magkabilaan. Sadyang maraming bagay sa mundo ay magkataliwas. Hindi maaaring isa lang ang opinyon. Kaya nga mayroong pula at puti, hindi ba? Kahit na ano ang gawin mo, patuloy na magaganap ang pagtutunggali at paglalaban. Kaya’t pumili ka ng iyong papanigan. Sa pula? O sa puti? Kapag hindi ka nakapili, ikaw rin ang siyang maiipit sa gitna. Gumawa ka ng desisyon.

kaibigan :)
Para sa akin ito ang pinakamadaling malayang paksa na aking gagawin. KAIBIGAN. Ang sarap pakinggan, ang sarap isipin na sila ang isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay matatag at masaya padin ako.
KAIBIGAN. Laging nandiyan para sayo, yung hindi ka iiwan kahit anong mangyari. Mapalayas ka man sa bahay mo, siya ang sasalo sayo. Makaaway mo man ang lahat ng tao, hindi ka papabayan hangga't nasa tama ang iyong ginagawa. Matae ka man sa shorts o pantalon, siya ang maghuhugas ng puwet mo o pahihiramin ka ng gamit para masuot.
Mapagkakatiwalaan. Siya ang masasabihan mo ng mga sikreto mo. Lahat ng bagay tungkol sayo alam niya, ultimo ang laman ng bituka mo. Yung tiwalang kampante ka kahit nagkaaway kayo kasi alam mong hindi niya ipagsasabi ang mga sikreto mo, yung tipong hindi 'backfighter'.
Nagmamahalan. Magkapatid ang turingan niyo. Kahit pumasok ka sa bahay ng isa't isa ayos lang. Kaclose mo ang mga magulang niya. Alam niyo ang baho ng isa't isa, Na ano man ang pagkakaiba niyo, tanggap niyo yun dahil mas umiiral ang pagmamahalan kaysa ang pagkakaiba.
Ilan lang iyan sa depinisyon ng kaibigan para sa akin. Madaling humanap ng kaibigan, pero siguraduhin natin na yung kaibigan na ating pipiliin ay hindi tayo dadalin sa maling landas, hindi tayo pagtataksilan at yung magtatagal.
Mahirap no? Para yang paghahanap ng tubig sa gitna ng disyerto. Pero gaano man kahirap at katagal, panigurado makakakita din tayo ng kaibigang ganyan. Pero siguraduhin nating hindi natin sisirain ang tiwala at pagmamahal na ibinigay nila sa atin ha? Huwag natin sayangin ang isa sa kayamanang ibinigay sa atin ng Diyos. KAIBIGAN DA BEST!!! :)

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)